Ano Ang Kahulugan Ng Katutubong Pilipino
Ano ang kahulugan ng katutubong pilipino
Sa aking palagay ang mga katutubong Pilipino ay ang mga Pilipino na tubong pilipinas o orihinal na nakatira sa pilipinas . Sila ay ang ating mga ninuno sa pilipinas at sinasabing sila ang nagtataglay ng orihinal na itsura ng mga Pilipino at nagtataguyod ng kultura ng Pilipino. Sila rin ay isang kayamanan sa ating bansa na maari natin maipagmalaki sa iba.
Katutubong Pilipino
Ang mga katutubo sa pilipinas ay mayroong kanya kanyang pangkat. Narito ang ilan sa mga katutubong Pilipino:
- Itawis
- Kalinga
- Ifugao
- Mangyan
- T'boli
- Tausug
- Badjao
Hindi Katutubong Pangkat Na Naninirahan Rin Sa Pilipinas
Ang pilipinas ay isang mayamang bansa sa kultura man o sa likas yaman. Kaya naman hindi maiwasan na maaakit ang iba na manirahan rito. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa hindi katutubong pangkat na naninirahan rin sa pilipinas:
- Hapones
- Tsino
- Arabo
- Koreano
- Amerikano
Ang mga Katutubo ay may malaking ambag sa kasaysayan. Alamin ang iba pang opinyon tungkol dito:
Kasalungat ng katutubo:
Anong kahulugan ng Katutubo?:
#LetsStudy
Comments
Post a Comment